Thursday, August 23, 2007

KASTILYO SA GUMACA, QUEZON


KASTILYO SA GUMACA, QUEZON

TIANGGE SA GUMACA



TIANGGE SA GUMACA

Yan po yong tiangge kahapon dito sa Brgy San Diego malapit lang po yan don sa may castillo sa Nava Blvd. Bale yan po yong reclaimed area na pinatambakan ng lupa ng local government. Medyo napapasyal ako don kahapon ng umaga at nakakatuwa ang daming namimili bukod sa maluwang yong lugar ay medyo mura pa ang mga presyo ng bilihin. Pero sabi nga po nong asawa ko ay halos piso lang naman yong diperensiya ng presyo sa palengke. Kaso nga kapag marami naman yong bibilihin mo sa tiangge mas makakamura ka pa. Ginaganap pala ito tuwing huwebes dito sa lugar na ito. Malaking tulong din nga naman ito don sa mga magsasaka ng ating bayan para yong mga produkto nila sa linang ay maibenta nila dito sa bayan. Pero may bayad din ang pagtitindi ng mga produkto mo dito sa tiangge para sa pwesto at yon naman ay palagay ko ay napupunta sa kaban ng ating lokal na pamahalaan para sa kanilang mga proyektong pangbayan. Di ko lang nakuha yong mga presyo ng mga paninda nila bale nag usyoso lang man po ang inyong lingkod. Hayaan nyo sa sa isang huwebes ay susubukan ko ng mamili ng mga gulay at may nakita ako don nong paborito kong balinghoy.

Sige po.. till next blog....